GSIS humihirit na maitaas ang minimum pension hike sa P6,000

Hiniling ng he Government Service Insurance System (GSIS) kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang makapagtaas ng monthly minimum basic pension.

Nais ng GSIS na gawing P6,000 na ang minimum na pensyon ng mga retiradong empleyado ng gobyerno mula sa kasalukyang P5,000.

Ayon kay GSIS president at general manager Clint Aranas, ang dadgag na P1,000 sa pensyon ay inaprubahan na ng board of trustees.

Kapag inaprubahan ng pangulo, magbebenepisyo dito ang nasa 67,201 na old-age at disability pensioners ng GSIS.

Taong 2013 pa nang huling magtaas ng pensyon ang GSIS.

Read more...