Hinahanap na ng Bureau of Customs ang pasahero na nagtangkang magpuslit ng higit 1,000 pagong sa NAIA Terminal 2 noong nakaraang araw ng Linggo.
Sinabi ni Customs NAIA District Collector Carmelita Talusan, base sa nakuha nilang impormasyon mula sa Philippine Airlines, nakilala ang pasahero na isang Ramon Christopher De Dios.
Sa record, umalis ng Hong Kong si De Dios sakay ng PAL Flight PR 311 noong Linggo ng umaga at ito ay may apat na check-in luggages.
Ngunit ayon sa Bureau of Immigration, Pebrero 28 nang lumabas ng Pilipinas si De Dios sakay din ng PAL Flight PR 509 na patungo sa Singapore.
Naalerto nan g Customs personnel nang abandonahin ang mga bagahe at nang buksan ang mga ito ay nadiskubre ang 1,532 buhay na mga pagong.
Maaring maharap sa kasong paglabag sa Wildllife Protection Act smuggling si De Dios.