WATCH: Naarestong ‘narco-cop’ sa Maynila nakatikim ng sermon kay Eleazar

Kinompronta ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar ang pulis-Maynila na naaresto dahil sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakatikim ng sermon kay eleazar si PO1 Ferdinand Rafael dahil sa kabiguan nitong masabi ang pangalan ng kaniyang superiors.

Maging si Eleazar ay hindi tiyak ni Rafael ang posisyon at inakalang direktor ito ng Manila Police District.

Inamin din ni Rafael na hindi niya alam ang buong pangalan ni MPD Director Vicente Danao.

Si Rafael ay naaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Maynila.

Mayroon ding video na makikita sa aktong gumagamit ng ilegal na droga ang nasabing pulis.

Read more...