Aabot sa 200 estudyante ng University of the Philippines Los Baños ang nagwalk-out sa kani-kanilang klase para magsagawa ng protesta.
Ipinrotesta ng mga mag-aaral ang anila ay kawalan ng aksyon sa kanilang mga hinaing gaya ng polisiya hinggil sa late registration.
Kinondena din ng mga estudyante ang “red taggging” sa mga progresibong student organizations.
Ayon kay Jainno Bongon, tagapagsalita ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan, kahit gusto ng mag-aaral na ipagpatuloy ang pag-aaral ay hindi maiwasang minsan ay nahuhuli sila sa pag-enroll dahil sa kakapusan ng pera.
Hindi naman aniya lahat ay sakop ng free tuition fee law ng gobyerno lalo na yung mga iregular students.
Nais sana ng mga nagwalk-out na estudyante na makadayalogo ang mga opisyal ng paaralan pero hindi ito napagbigyan.