PCSO GM Alexander Balutan nagbitiw at hindi sinibak ayon sa tagapagsalita ng PCSO

Naglabas ng pahayag ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ang mga balitang sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si PCSO General Manager Alexander Balutan.

Sa isang text message sinabi ni PCSO Deputy Spokesperson Florante “Bong” Solmerin, nagbitiw sa pwesto si Balutan at hindi ito sinibak.

Personal na dahilan aniya ang pagbibitiw ni Balutan sa pwesto.

Maliban dito ay wala nang iba pang pahayag ang PCSO hinggil sa usapin.

Mismong si Balutan rin ay wala pang inilalabas na reaksyon.

Read more...