Gladys Guevarra, nabiktima ng “basag-kotse”

Nabiktima ng “basag-kotse gang” ang comedianne na si Gladys Guevarra.

Naganap ang insidente sa Granada Street, sa Barangay Valencia, Quezon City, Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Guevarra na pagkatapos ng kanyang rehab therapy, mayroon siyang nakasalubong na isang babae at isang lalaki na nakasakay sa motor dakong 6:40 ng gabi.

Ngunit nang makarating na siya sa kanyang sasakyan, nakita niyang may crack na ang salamin nito.

Wala naman daw nakuhang mahalagang gamit sa kanyang kotse, subalit naiyak at nanginig umano siya sa takot.

Agad namang rumesponde ang mga pulis, at pinanuod din ang kuha ng CCTV, kung saang positibong nakita ang riding-in-tandem na bumasag sa sasakyan.

Pina-blotter na ni Guevarra ang nangyari, at tinutunton na rin ng mga otoridad ang mga suspek.

Read more...