Sequel ng Maleficent mas pinaaga

Mas pinaaga ang pagpapalabas ng sequel ng pelikulang Maleficent ni Angelina Jolie.

Isinapubliko na ng Disney ang poster ng bagong movie, kaya lalong natuwa at na-excite ang fans.

At sa anunsyo ng Disney, sa halip na sa May 2020 ay ipapalabas ang “Maleficent: Mistress of Evil” sa darating na October 2019.

Ayon sa movie fans, tamang-tamang ang showing sa Halloween.

Taong 2014 pa nang ipalabas ang unang live-action Maleficent, na isang bida-kontrabidang pelikula, tampok ang award-winning actress na si Jolie.

Makakasama naman ni Jolie sa part two ng Maleficent sina Elle Fanning bilang Princess Aurora at Michelle Pfeiffer bilang Queen Ingrith.

Read more...