Biyahe ng MRT-3 muling nagka-aberya, 250 pasahero naapektuhan

Muling nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ngayong Biyernes (Mar. 8) ng hapon.

Ayon sa abiso ng MRT-3, isang tren nila sa Buendia Station southbound ang nakaranas ng electrical failure alas 12:52 ng hapon.

Ayon Sa MRT-3, kadalasang dahilan ng electrical failure ay ang luma nang electrical sub-components.

Dahil dito, pinababa ang nasa 250 na pasahero ng tren.

Agad naman silang napasakay sa kasunod na tren makalipas ang apat na minuto.

Read more...