LOOK: Hello Kitty beep cards ilalabas para sa train commuters

Nakatakdang maglabas ng beep cards na mayroong disenyo na Hello Kitty.

Sa Facebook page, inanunsyo ng Beep Card ang pagre-release nila ng Hello Kitty cards.

Tatlong bagong disenyo umano ang nakatakdang ilabas at isa dito ang Hello Kitty design.

Ang beep cards ay nagagamit ng mga commuter sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Nagagamit na rin ito sa pagbabayad sa ilang piling bus lines at pambayad sa toll fees sa Cavite Expressway (Cavitex) at North Luzon Expressway (NLEX).

Read more...