Agosto 31 naman ang opening date sa Walt Disney World.
Ayon sa Disney, kung bibisita sa “Star Wars: Galaxy’s Edge” section sa Disneyland Anaheim, California, kailangang magkaroon ng reservation bukod pa sa ticket sa pagitan opening day hanggang June 23.
Iaanunsyo pa ang detalye kung paano magkaroon ng free reservation. Wala namang reservation requirement para sa Walt Disney World sa Orlando, Florida
Ang reservation system ay idinisenyo ng Disney upang makontrol ang malaking bilang ng taong bibisita sa kanilang “most ambitious expansion ever”.
Makikita sa “Galaxy Edge” ang Batuu, ang planetang hindi pa ipinalabas sa kahit anong pelikula at TV show ng Star Wars. Makikita rin dito ang re-creation ng cockpit of the Millennium Falcon.
Mayroon ding mga “Star Wars”-inspired na mga kainan at shops sa mga bagong park section.