Sa abiso ng kumpanyang Jetti Petroleum, sa kanilang pagtaya makalipas ang ilang araw na trading, maaring magkaroon ng karampot na rollback sa presyo ng diesel at dagdag naman sa presyo ng gasolina.
Sa ngayon sinabi ng Jetti na P0.05 hanggang P0.10 kada litro ang nakikita nilang rollback sa presyo ng diesel.
Habang P0.80 hanggang P0.85 naman sa kada litro ng gasolina ang inaasahang pagtaas.
Ang halaga ng price adjustment ay dedepende pa sa naging resulta ng trading kahapon at magiging resulta ngayong araw.
MOST READ
LATEST STORIES