Plastic waste ng Pilipinas nasa 163M sachets araw-araw

Umaabot sa 136 million plastic sachets kada araw ang plastic waste ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ng environment group na Global Alliance for Incinerator Alternatives o GAIA, matapos ang limang taon na trash-audit na kanilang ginawa.

Ayon kay Froilan Grate, executive director ng Gaia Asia-Pacific, lumitaw sa pag-aaral na ang mga Pinoy ay nagtatapon ng 48 million plastic shopping bags araw-araw, 45 million thin-film bags at 3 milyong diaper.

Isinagawa ang audit ng Mother Earth Foundation sa pamamagitan ng pagkulekta sa trash samples sa mga bahay sa 21 selected sites sa buong Pilipinas kabilang ang anim na lungsod at pitong mga bayan.

Layon ng pag-aaral na ilantad ang papel ng mga manufacturers sa paglaganap ng plastic waste.

Read more...