Pangulong Duterte nakiisa sa selebrasyon ng International Women’s Day

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ngayong araw sa International Women’s Day.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na ang selebrasyong ito ay paalala upang matiyak na ang Magna Carta for Women ay naipatutupad ng tama sa lahat ng sangay ng gobyero.

Sinabi ng pangulo na dapat ding lumikhang platforms upang matalakay ang best practices, gaps at mga hamon sa pagsusulong ng gender and development sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.

Tiniyak ng pangulo na committed ang kaniyang administrasyon sa pagsusumikap ng gobyerno at pribadong sektor para sa pahalagahan ang kapakanan ng mga babae.

Read more...