Hinihinalang droga na-recover sa karagatan ng Catanduanes

Isang kulay brown na package na naglalaman ng hinihinalang droga ang nakuha ng isang mangingsida sa karagatang sakop ng Baras, Catanduanes.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Capt. Armand Balilo, nakita ang nasabing package ng mangingisdang si John Anthony Tabinas.

Nangingisda anya si Tabinas nang makitang palutang-lutang ang nasabing bagay.

Kinuha ito ng mangingsida at napag-alamang naglalaman ng white crystalline granules.

Kaagad itong itinurn-over ng mangingida sa Baras Municipal Police Station.

Dinala na ang nakuhang bagay sa PNP Crime Laboratory para sa pag-susuri.

Magugunitang nitong nakalipas na mga linggo, milyon-milyong halaga ng cocaine ang nakuhang palutang-lutang sa karagatan ng iba’t-ibang panig ng bansa.

Read more...