LOOK: Appointment paper ni Diokno sa BSP inilabas na ng Malakanyang

Isinapubliko na ng Malakanyang ang appointment paper ni Benjamin Diokno bilang bagong Bangko Sentral ng Pilipinas governor.

Ang nasabing dokumento ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at may petsang March 5.

Natanggap naman ito ng records office ng Malakanyang March 7, 2019, araw ng Huwebes.

Mapapaso sa July 2, 2023 ang termino ni Diokno sa BSP kung saan pinalitan niya si Nestor Espenilla Jr., matapos pumanaw sa sakit na tongue cancer.

Read more...