Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Dittie Galang, Communications Manager ng Manila Water, aminado itong hindi sila nakapagbigay ng paunang abiso sa mga consumer na naapektuhan ng water service interruption.
Ito ay sa mga bahagi ng Mandaluyong, Pasig at San Juan.
Sa pahayag sinabi ni Galang na hindi rin nila inaasahan ang naging pagtaas ng demand sa tubig bago nangyari ang water interruption.
Paliwanag ni Galang, nuong naglabas sila ng abiso hinggil sa ipatutupad na contingency plan sa mga sinusuplayan nila ng tubig ay marami ang agad nag-imbak ng tubig na kanilang magagamit.
Nagresulta ito sa biglaang pagtaas ng demand ng tubig kaya hindi nagawang mapuno ang reservoir ng Manila Water.
Natapat kasi aniya na sa oras na nagpupuno ng reservoir ang Manila Water sa oras na sabay-sabay nag-ipon ng tubig ang mga consumer.