Panukalang 2020 budget ng bagong tatag na Department of Housing ipinasususmite ng Kamara sa DBM

Pinagsusumite na ng Kamara ng panukalang 2020 budget sa Department of Budget and Management ang bagong tatag na Department of Housing and Human Settlement and Urban Development.

Sa meeting ng House Committee on Housing and Urban Development na pinangugunahan ng kanilang chairman na si Negros Rep. Albee Benitez, lumabas na nagsumite pa ng kanya-kanyang budget ang ang Housing and Urban Development Coordinating Council at ang Housing and Land Use Regulatory Board.

Sinabi naman ni Dir. Angelito Aguila ng HUDCC na aabutin ng anim na buwan ang transition period para sa bagong kagawaran kaya mahuhuli sila ng submission sa DBM.

Kaugnay nito, hiniling naman ng Kamara sa DBM na bigyan ng konsiderasyon ang DHSUB bilang bago pa lamang naman itong buong ahenysa.

Paliwanag naman ni Benitez, batas na ang paglikha sa DHSUB kaya kahit wala pa itong IRR ay maari na itong magsumite ng panukalang gastusin.

Read more...