Manila Water humingi ng paumanhin sa biglaang water service interruption sa ilang bahagi ng Mandaluyong, San Juan at Pasig

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 09:30 AM

Humingi ng paumanhin ang Manila Water sa mga consumer nito na nakaranas ng biglaang pagkawala ng suplay ng tubig mula Huwebes (Mar. 7) ng gabi hanggang Biyernes (Mar. 8) ng umaga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Dittie Galang, Communications Manager ng Manila Water, aminado itong hindi sila nakapagbigay ng paunang abiso sa mga consumer na naapektuhan ng water service interruption.

Ito ay sa mga bahagi ng Mandaluyong, Pasig at San Juan.

Sa pahayag sinabi ni Galang na hindi rin nila inaasahan ang naging pagtaas ng demand sa tubig bago nangyari ang water interruption.

Paliwanag ni Galang, nuong naglabas sila ng abiso hinggil sa ipatutupad na contingency plan sa mga sinusuplayan nila ng tubig ay marami ang agad nag-imbak ng tubig na kanilang magagamit.

Nagresulta ito sa biglaang pagtaas ng demand ng tubig kaya hindi nagawang mapuno ang reservoir ng Manila Water.

Natapat kasi aniya na sa oras na nagpupuno ng reservoir ang Manila Water sa oras na sabay-sabay nag-ipon ng tubig ang mga consumer.

TAGS: contingency plan, manila water, Radyo Inquirer, Water supply, contingency plan, manila water, Radyo Inquirer, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.