Pinawi ng Malacanang ang pangamba ng publiko hingil sa umano’y bantang pag-atake sa bansa ng mga taga-suporta ng ISIS.

SONNY-HERMINIO-COLOMA
Inquirer file photo

Pinawi ng Malacanang ang pangamba ng publiko hingil sa umano’y bantang pag-atake sa bansa ng mga taga-suporta ng ISIS.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na walang credible threat ang ISIS sa bansa tulad ng mga kumakalat sa mga social media at text messages.

Ipinaliwanag din ng opisyal na hindi tumitigil ang Philippine National Police at Militar sa pag-Verify ng mga ulat ukol sa banta ng terorismo sa bansa.

Ayon kay Coloma, sapat ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad para matiyak ang kaligtasan ng publiko hindi lamang sa mga elementong criminal kundi pati sa mga terorista.

Nauna dito ay lumabas ang mga report na walong armadong kalalakihan na pawang mga ISIS supporters ang napatay sa Sulatan Kudarat.

Pero sa ginawang pag-iimbestiga ng Intelligence group ay kanilang napatunayan na mga miyembro ng isang Private Armed Group ang mga napaslang.

Read more...