LOOK: QC Vice Mayor Joy Belmonte sumalang sa rountable discussion ng Inquirer

Radyo Inquirer Photo / Jong Manlapaz
Sumalang sa roundtable discussion kasama ang Inquirer editors at reporters si Vice Mayor Joy Belmonte na tumatakbong mayor ng Quezon City.

Dito natalakay ang mga plano at hangarin ni Belmonte sa lungsod.

Ayon kay Belmonte kabilang sa kanyang tinutukan bilang vice mayor ng Quezon City, ang problema sa bawal na gamot.

Kinilala rin ng Philippine Commission on Momen ang isang proyekto ni Belmonte na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan.

Lumabas rin sa discussion na personal siyang inindorso ng pangulong duterte bilang kandidato sa pagkamayor ng QC.

Sa kabila na napakalaki ng impluwesya ng kanyang ama sa pagsabak sa politika, tiniyak naman nito na tatakbo ito sa pagka-mayor ng Quezon City bilang Joy Belmonte.

Sinabi pa ni Belmonte na hindi ito mangangako ng mga imposible dahil hindi ito tama para lang makakuha ng boto.

Read more...