Babae arestado matapos maaktuhang tumangay ng bata sa Baclaran

Arestado ang isang babae matapos itong maaktuhang tumangay ng isang 5 taong gulang na lalaki sa
Baclaran, Paranaque City hapon ng Huwebes, March 7.

Base sa pahayag ng ama ng bata, naglalaro lamang ang kanyang anak sa Pinaglabanan St. nang bigla na lamang itong kuhanin ng nasabing babae.

Ang babae umano ay naghahanap banyo at hinila na lamang ang bata para samahan siya. Nakita ng ilang taga-Baclaran ang bata kaya itinuro ito sa tatay kaya nahuli ang 19 anyos na babae na nagpakilalang taga-Marilao, Bulacan.

Ayon kay Boyet Rivera, kalihim ng barangay, paiba-iba umano ang kuwento ng dalaga sa kanila
hanggang sa umamin na dadalhin umano niya ang bata sa Bulacan para magbenta ng sampaguita at
droga.

Sinabi ng Barangay Baclaran na ito ang unang beses na nangyari sa kanilang lugar sa nakalipas na
taon.

Desidido naman ang pamilya ng bata na ituloy ang pagsampa ng reklamong kidnapping sa babae na
nakakulong ngayon sa Parañaque City Police Station.

Matatandaang nitong Pebrero lang ay naaresto rin ang isang babae sa Barangay BF Homes sa tangkang pagdukot ng isang bata na umamin na nasa 20 bata na umano ang tinangay nito para dalhin sa Bulacan.

Read more...