Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi na nila isasapubliko ang mga pasaway na kandidato maski ang mga pinadalhan nila ng notice of violation.
Kaugnay ito ng Oplan Baklas na isinagawa ng poll body dahil sa mga illegal campaign posters sa ibat’ ibang lugar.
Sinabi ni Jimenez na hindi na nila papangalanan ang mga non-compliant na kandidato para hindi na masayang ang kanilang case build-up laban sa mga ito.
Paliwanag ng opisyal, kapag nalaman kasi ng kandidato na nasa listahan sila ng Comelec ay biglang tinatanggal ang mga nagkalat na campaign materials kaya hindi na nadodokumento at wala ng ebidensya.
Papangalanan na lang ng ahensya ang mga kandidato kapag nasampahan na ng kaso ang mga ito.