PNP: Higit 8,000 pulis, pinatawan ng disciplinary action

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 8,000 na mga pulis ang napatawan ng disciplinary action dahil sa iba’t ibang kaso.

Ang naturang bilang ay mula nang maluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, sa nasabing figure, nasa 2,528 na pulis ang tuluyang nasibak sa pwesto.

Samantala, nasa 4,511 ang sinuspinde dahil sa magkakaibang kasong administratibo.

Pinakahuling pinatawan ng disciplinary action ang 15 pulis ng Eastern Police District-Drug Enforcement Unit (EPD-DEU) na sibak sa pwesto dahil sa pangongotong at ang 27 pulis ng Pasay Police 1 DEU dahil naman sa kidnapping.

Araw ng Biyernes ay isang Pulis Maynila ang huli sa aktong bumabatak ng shabu.

Iginiit naman ni Albayalde na patuloy ang internal cleansing sa hanay ng PNP.

Read more...