Sarah G. may ‘surprise attendance’ sa isang kasal; bride halos maiyak sa tuwa

Screengrab of Maja Salvador IG video

Muling pinahanga ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang kanyang fans dahil sa kabaitang ipinakita nito sa isang wedding ceremony.

Surpresang dumalo ang singer-actress sa wedding reception ng non-showbiz couple na sina Roy Tiu at Kane Panghulan.

Inimbitahan si Geronimo ni Maja Salvador na malapit na kaibigan ng mag-asawa.

Sa Instagram, ibinahagi ni Salvador ang video ng reaksyon ng mag-asawa sa biglaang pagdating ni Geronimo sa kanilang wedding reception.

Gulat na gulat ang mga ito at halos mapaiyak pa sa tuwa ang bride.

Magalang na nagtanong ang Popstar Royalty kung maaari siyang magperform para sa mag-asawa at nagbirong nagpa-salon pa umano siya.

Sa caption ni Salvador sa kanyang Instagram post, inihayag nito ang appreciation sa presensya ni Geronimo at pinasalamatan din ang mga taong nasa likod para matupad ang kanyang surprise sa kaibigang mag-asawa.

Marami namang netizens ang humanga sa pagiging mabuting kaibigan ni Salvador.

Hindi rin nakatiis si Panghulan na ibahagi sa kanyang Instagram story ang pagbisita ni Geronimo sa kanyang kasal.

Anya, ito ang ‘best night ever’ ng kanyang buhay.

Samantala, dumalo rin sa kasal ang celebrities na sina Kakai Bautista at Thou Reyes.

 

View this post on Instagram

 

#KaneIsThatTiu We Love You @kanezpanghulan 😘 Thank You Boss Vic! @vivaartistsagency Thank You Mommy D! Thank You Ms. Chai! Thank You Thank You Ate Sars! 😭😘 @miahgomez @stephabasta 😘💋 Kane’s Reaction – PRICELESS!

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on Mar 6, 2019 at 2:41am PST

Read more...