Ito ay matapos makumpleto ng naturang train set ang problem-free na 1,000-kilometer run.
Ayon sa MRT-3, masasakyan ng commuters ang Dalian train set mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 gabi ngayong araw (March 8) at sa Lunes (March 11).
Matapos ang 150-hour na validation run ay gagawa ng evaluation report ang Philippine National Railways (PNR) at sakaling pumasa ay papayagan nang regular na tumakbo ang train set sa riles ng MRT-3.
Matatandaang inatasan ng DOTr ang PNR na pangunahan ang simulation runs ng Dalian trains para masigurong ligtas itong magagamit ng commuters.
Ang Dalian trains ay binili ng Aquino administration at hindi ginamit ng kasalukuyang gobyerno dahil sa umano’y compatibility issues.