US government, kinasuhan ng Huawei

Nagsampa ng kaso ang Huawei laban sa gobyerno ng Estados Unidos dahil sa pagbabawal sa mga ahensya ng gobyerno ng paggamit sa kanilang produkto.

Ayon sa Huawei, walang ebidensya ang Amerika para suportahan ang ban laban sa kumpanya.

Ayon kay Huawei Rotating chairman Guo Ping, walang patunay ang US Congress sa kanilang alegasyon.

Una nang naghigpit ang Amerika sa paggamit ng mga produkto ng Huawei.

Idinahilan ng US government ang isyu ukol sa national concern sa pag-ban ng Huawei products.

Read more...