Hinirang ni Pope Francis ang isang Filipino immigrant priest na maging auxiliary bishop ng Archdiocese of Los Angeles sa Estados Unidos.
Ayon sa CBCP News, si Monsignor Alejandro Aclan na pari sa nasabing arkidiyosesis ay ang ikalawa nang paring Filipino na itinalagang obispo sa U.S.
Si Aclan na mula sa Pasay ay ipinanganak noong February 9, 1951 at nagtapos ng medical technology mula sa University of Sto. Tomas.
Taong 1982 ay iniwan nito ang bansa at pumunta ng Southern California.
Iniwan ni Aclan ang kanyang trabaho at pumasok sa St. John’s Seminary sa Camarillo taong 1988 para maging pari.
Mula 2001 hanggang 2012 ay naging kura paroko ang bagong bishop-elect ng Saint Madeleine Parish sa Pomona.
Ang unang Filipino na itinalagang obispo sa U.S ay si Bishop Oscar Solis taong 2003.
Ang Los Angeles ay ang pinakamalaking tahanan ng Filipino immigrants sa Estados Unidos.