Japan airspace pinasok ng 11 Chinese war planes

China plane
Reuters photo

Nagkagulo ang buong Japanese Defense Ministry Office makaraang lumipad sa loob ng airspace ng nasabing bansa ang labing-isang war planes ng China.

Sa report na ipinarating kay Japanese Prime Ministrer Shinzo Abe, walong bombers, dalawang surveillance plane at isang early-warning military planes ng China ang lumipad sa ibabaw ng Miyako at Okinawa.

Dahil sa nasabing pangyayari ay kaagad na itinaas ang alerto ng buong Military forces ng Japan.

Sa ulat naman ng state-owned na Xinhua News Agency, kanilang nilinaw na hindi pumasok sa Japanese airspace ang mga eoplano ng China kundi sa karagatang sakop ng kanilang bansa.

Binanggit din sa ulat na bahagi ang nasabing mga war planes ng military drill na kasalukuyang ginagawa malapit sa boundary ng China at Japan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na itinaas ang alerto sa lahat ng Military installation ng Japan.

Kamakailan lang ay ilang eroplano naman mula sa Russia ang namonitor na pumasok sa airspace ng Japan sa hindi batid na kadahilanan.

Read more...