Isang libong mga tauhan ng Philippine National Police ang ide-deploy sa paligid ng Olongapo City Regional Trial Court sa December 1 kung kailan ibababa ang hatol kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ipinaliwanag ni Olongapo City Police Chief SSupt. Pedrito delos Reyes na inaasahan nila ang pagdagsa ng mga militanteng grupo sa promulgation ng kaso kaugnay sa pagpatay sa transgender na si Jeffery “Jennifer” Laude.
Mula nang magsimula ang pagdinig noong buwan ng Marso ay naging mainit na ang nasabing isyu dahil sa usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Naniniwala naman si Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Roberto Garcia na kung anuman ang magiging hatol ni Olongapo City RTC Branch 74 Judge Roline Ginez-Jabilde ito ay makaka-apekto sa pagbisita ng tropa ng US sa bansa.
Noong nakalipas na taon ay kinansela ng US Pacific Command ang nakatakdang activities ng mga US Servicemen sa bansa dahil sa isyu.