Libreng sakay at entrance sa mga museum handog sa mga kababaihan ngayong araw

Nag-anunsyo ang mga train lines, museums at iba pang ahensya ng libreng sakay at serbisyo para sa mga kababaihan ngayong araw ng Biyernes para sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ang Metro Rail Transit (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT-2) ay may libreng sakay para sa mga female commuters mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Buong araw namang may libreng sakay para sa mga babaeng pasahero ang Pasig River Ferry Service ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Free admission naman ang handog para sa mga babaeng gustong bumisita sa Fort Santiago, Casa Manila Museum at Baluarte de San Diego sa Intramuros.

Ang unang 100 female walk-in visitors naman ay may free admission sa Intramuros and Rizal Bagumbayan Light and Sound Museum.

Sa National Planetarium ay may libreng mga shows para sa kababaihan kabilang ang transgender women.

Handog naman ng Office of the Ombudsman ang libreng paglalabas ng clearance para sa kanilang walk-in female clients mula ngayong araw hanggang sa March 15.

Read more...