Lebron James, umakyat sa 4th place sa NBA career scoring list

Nalampasan na ni Lebron James si Michael Jordan at pang-apat na ito sa NBA career scoring list.

Pero natalo naman ang team ni James na Los Angeles Lakers kontra Denver Nuggets sa score na 115-99.

Nagtala si James ng 31 points lampas na sa career total ni Jordan na 32,292 points.

Tabla na sina James at Jordan sa second quarter pa lang ng laro matapos ang 19-foot jumper ng Lakers star.

Makalipas ang ilang minuto ay naging Hall of Famer na si James kasunod ng kanyang left-handed layup.

Ibinahagi naman ni James ang bagong milestone kay Jordan na kanyang kaibigan at matagal ng idolo sa basketball.

Read more...