Presyo ng manok sa ilang palengke, tumaas

Tumaas ang presyo ng manok sa ilang pamilihan dahil umano sa mainit na ang panahon.

Sa Kamuning Market sa Quezon City, mula sa dating P130 hanggang P140 kada kilo, nasa P150 hanggang P160 na ang presyo ng manok.

Ayon sa mga nagtitinda, dahil mainit na ang panahon ay namamatay ang mga manok.

Pero ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi dahil sa init ng panahon kundi posibleng kaunti ang supply ng manok.

Dahil anya sa pagbagsak ng presyo ng manok noong nakaraang taon ay maraming poultry raisers ang nagbawas ng alagang manok sa kanilang mga farm.

Samantala ang United Broilers Association of the Philippines, pinaghahandaan na ang El Niño at maagang pagpasok ng tag-init para maiwasan ang pagkamatay ng mga manok.

Tuloy din ang ginagawang paraan ng grupo para hindi na maulit ang bird flu outbreak na umatake noong 2017 sa anim na poultry farms sa Pampanga

Read more...