Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Panelo na mali ang mga salitang kanyang nagamit sa kanyang unang pahayag.
Ani Panelo, ang kanyang unang statement ay batay lamang sa logic at educated guess at sa pagkakaalam niya ay walang nagbibigay sa Pilipinas ng impormasyon.
Ang nais niya anyang tumbukin ay kung may impormasyon na ibinato sa bansa kahit hindi mismo ito hiniling ng gobyerno ay maaari itong gamitin bilang ‘lead’.
Sinabi rin ni Panelo na walang drug personality na na-wiretap ng foreign governments.
Matatandaang itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakatanggap sila ng wiretapped information mula sa ibang bansa.
Ang wiretapping ay iligal sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Panelo ngayon na ang narco list ay nabuo mula sa mga impormasyon mula sa law enforcement agencies, drug surrenderers at reklamo mula sa mga komunidad.