
Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na tumaas ng 10-percent ang kanilang koleksyon sa unang tatlong quarters ng 2015 kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon.
Sinabi ni SSS Officer-in-Charge for Management Services and Planning division Dir. Eleonora Cinco na mula sa collection na P89.03 Billion ito ay tumaas sa unang tatlong quarters ng taon sa P98.26 Billion.
Pinaka-mataas sa kanilang koleksyon ay mula sa mga employed employees na tumaas ng 11-percent na mula sa dating P77.35 Billion ito ay umakyat sa P85.59 Billion.
Ang SSS sa kasalukuyan ay mayroong 33.33 Million members at 70-percent sa mga ito ay pawang mga employed employees.
Hinikayat din ng SSS ang mga delinquent employers na bayaran na ihulog sa ahensya ang kanilang mga ikina-kaltas sa mga empleyado para maiwasan ang mga patung-patong na kaso.
Pinayuhan rin nila ang lahat ng mga SSS members na i-rehistro online ang kanilang mga accounts para ma-monitor ng palagian ang kanilang mga contributions.
Para sa online registration, pwedeng mag-log-on ang mga SSS members sa www.sss.gov.ph.