7 suspek, kabilang ang 2 buntis, huli sa buy bust sa QC

File photo

Arestado ang pitong suspek, kabilang ang dalawang buntis sa buy bust operation ng Quezon City Police District Station 4 sa Geronimo Compound, Novaliches.

Pumoste ang raiding team sa pangunguna ni Police Master Sergeant Mark Lagman sa bahay ng target na si Anthony Tolentino alyas Dandan.

Matapos makabili ang pulis na nagpanggap na buyer ng P200 halaga ng shabu, agad na sinalakay ang bahay ni Tolentino.

Naaktuhan ang tatlong babae at tatlong lalaki na nagbabalot ng mga sachet ng shabu.

Nakilala ang dalawang babae na sina Devy Rafas, 24 anyos at Heidi Son, 32 anyos na parehong buntis at isa pang babae na si Ela Ocampo.

Ang iba pang naarestong suspek ay sina John Paul Dela Peña, 21 anyos, James Mark Millete, 18 anyos at Anthony Adalla, 37 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,200, marked money at drug paraphernalia.

Read more...