Pinangunahan ng Power for People (P4P) ang kilos protesta sa mga sangay ng Meralco kasama ang civil society group at kanilang igniiit na dapat na gamitin ang hindi pa naibabalik na refund ng Meralco upang mapababa ang presyo ng kuryente.
Sa desisyon ng Korte Suprema, lumabas na mayroong overcharging ang Meralco sa kanilang singil sa kuryente sa higit na tatlong milyong mga consumers sa maraming taon at pinasa nila sa mga customer ang kanilang income tax.
Ayon kay Atty. Avril De Torres ng Center for Energy, Ecology and Development, 17 taon na ang kautusan na irefund ang P10.8 billion halaga ng overcharged payments, pero hanggang Semptember 2018, P4.41 billion ang hindi pa rin naibabalik ng Meralco.
Buwan ng Pebrero anya ay tumaas ng P0.5782 per kilowatt hour (kWh) ang singil ng Meralco kung saan ang may konsumo ng 200kwh ay may karadagang bayarin na aabot sa P114.
Base sa datos, tumaas ang kita ng Meralco mula kung saan P20.213 bilyon noong 2017 ay umakyat ito ng P22.4 bilyon noong 2018.