Eleazar, suportado ng DILG sa ginawa sa kotong cop

Marikina PNP photo

Tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang suporta kay Police Major General Guillermo Eleazar, ang hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ito ay matapos na pagalitan ni Eleazar ang isang pulis Pasig na nangotong sa naarestong drug suspect.

Ayon sa Kalihim, ang naging kilos ni Eleazar ay nagpapakita lamang ng pagkadismaya sa mga police scalawags na patuloy na sumisira sa imahe ng Philippine National Police (PNP).

Giniit pa ni Año na walang lugar ang mga police scalawags sa hanay ng PNP lalo na ang mga nangongotong ng pera mula sa mga drug personalities.

Read more...