Duterte mas pabor sa pagpapatataas ng suweldo ng mga manggagawa kaysa lower ITR

philippine-peso
Inquirer file photo

Tutol si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa panukalang Lower Income Tax Rate.

Sa panayam sa Davao City, sinabi na sakaling mahalal siyang pangulo ng bansa, hindi niya muna isusulong ang pagpapababa ng buwis.

Paliwanag ni Duterte, mas kakailanganin niya ng pera para mapataas ang suweldo ng mga manggagawa.

Gagamitin din daw niya ang pera para sa social services at isyu gaya ng trabaho, kagutuman at decongestion sa Metro Manila.

Punto pa ni Duterte, para maisakatuparan ang pag-decongest ng Kalakhang Maynila, kailangan niyang manghiram ng pera.

Ani Duterte, masyado nang overcrowded ang Metro Manila dahil sa dami ng mga tao at sasakyan, rason para dagdagan ang mga infrastructure at mga lansangan.

Dagdag pa ng Alkalde, gusto niyang ayusin ang Clark/Subic International Airport para magamit.

Bukod sa mga nabanggit, sinabi ni Duterte na target niyang ayusin ang ekonomiya ng bansa.

Nagiging isyu ngayon ang Lower Income Tax Rate bill dahil sa patuloy na pagkontra rito ni Pangulong Noynoy Aquino.

Read more...