Granada, nakita sa hacienda sa Moises Padilla, Negros Occidental

Moises Padilla Police photo

Natagpuan ang isang granada sa hacienda sa Barangay Crossing Magallon, Moises Padilla, Negros Occidental.

Ayon sa otoridad, nakita ng dalawang sakada ang Mk 2 grenade sa Hacienda Bag-o San Remigio.

May nakitang kahon ng cellphone malapit sa poste ng kuryente at nang buksan ito ay nakalagay sa loob ang granada.

Kinuha ng pulisya ang granada at tinurn-over sa Explosives and Ordnance Division ng Police Regional Office 6.

Iniimbestigahan ang pinanggalingan ng granada.

Read more...