Motorcycle shop manager, natagpuang patay sa Ormoc City

Ormoc City Police Office Station 1 photo

Natagpuang patay ang manager ng tindahan ng mga motorsiklo sa Barangay Cogon, Ormoc City.

Kinilala ang biktima na si Romeo Oledan, manager ng MSS Cycle Trading.

Ayon sa pulisya, si Oledan ay binaril habang natutulog. Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng ulo nito.

Tinitingnan ang anggulong pagnanakaw sa pagpatay sa manager dahil nawawala ang vault ng tindahan na may laman umanong mahigit P21,000.

Narekober sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 at grinder cutting disc malapit sa vault.

Iniimbestigahan ang pagkakilanlan ng salarin.

Read more...