Pilipinas may bobsled team na para sa winter olympics

Inquirer photo

May sarili nang bobsled team ang bansa.

Apat na miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bumubuo sa nasabing team na isasabak ng bansa sa 2022 Winter Olympic Games.

Ang Philippine bobsled team ay binubuo nina Jeffrey dela Cruz, Rolando “Sid” Isidro, Joseph Acosta, at Jerby Deriada.

Sila ay nasa Calgary sa Canada para sa paghahansa sa nasabing palaro.

Sinabi ni Isidro na hindi nila inakala na makakabuo ng bobsled team ang bansa dahil wala namang snow sa Pilipinas.

Bukod doon ay mahirap umano ang training na kailangang pagdaanan ng grupo dahil sa tinatawag na g-force.

Aminado ang grupo na naging inspirasyon nila ang pelikulang “Cool Runnings” na nagtampok sa kauna-unahang bobsled team ng Jamaica na sumali sa 1988 Calgary Winter Olympics.

Bukod sa Canada ay nagsanay na rin ang grupo sa Australia.

Masaya ang grupo dahil sa suporta na kanilang tinatanggap sa mga Pinoy sa ibang bansa.

Read more...