Pagbabawal sa dalaw sa Bilibid di makatwiran ayon sa CHR

Inquirer file photo

Para sa Commission on Human Rights o CHR, isang “blanket punishment” ang pasya ng Bureau of Corrections o BuCor na kanselahin ang mga pribilehiyo ng mga bilanggo sa buong bansa

Nauna nang inanunsyo ni BuCor Chief Nicanor Faeldon na kanselado ang visiting privileges ng mga preso sa pitong penal colonies sa buong bansa, dahil sa patuloy na pagkakadiskubre ng mga kontrabando sa iba’t ibang kulungan.

Pero inalmahan ito, lalo na ng mga kaanak o mahal sa buhay ng mga inmate.

Sa isang statement, sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann De Guia na mas makabubuti kung ayusin ng gobyerno ang jail management.

Sa halip din aniya na pairalin ang isang blanket punishment, sinabi ni De Guia na dapat suriin ang sistema, mula sa mga proseso at mga tauhan sa mga kulungan, para hindi nalulusutan ng mga kontrabando, gaya ng ilegal na droga.

Dagdag ni De Guia, mainam na tingnan muli ang implementasyon mg RA 10575 o Bureau of Corrections Act of 2013 na layong palakasin ang BuCor.

Batid aniya ng CHR na may limitasyon na para sa mga preso.

Subalit may ilang karapatan pa rin ang mga ito, sa ilalim ng batas, tulad ng pribilehiyong regular visits o dalaw.

Read more...