Kinasuhan ng rape ang isang Pinoy na pari sa Philadelphia makaraan niyang gahasain habang kinukunan ng video ang isang menor-de-edad na biktima.
Ang naarestong suspek makaraan ang limang taong pagtatago ay kinilalang si Rev. Armand Garcia, 49-anyos.
Nangyari ang sinasabing panghahalay niya sa biktima noong 2014 noong si Garcia ay pari pa sa Immaculate Heart of Mary in the Roxborough, Philadelphia.
Napag-alaman sa ulat na isang altar girl noon ang 16-anyos na biktima nang pagsamantalahan ng nasabing pari.
Si Garcia ay nahaharap sa kasong rape, recording of a sex act, at corruption of minor pero kaagad ring nakalaya makaraan siyang piyansahan ng ilang mga kaanak para mailayo sa kahihiyan ang nasabing alagad ng simbahan.
Mabilis namang inilagay sa administrative leave ng Archdiocese Of Philadelphia si Garcia makaraan siyang sampahan ng kaso.
Kaagad ring pinalayas si Garcia sa kanyang tinutuluyang bahay sa Saint Martin of Tours Parish makaraan siyang masampahan ng kaso.
Napag-alaman rin na si Garcia ang regional representative for the National Association of Filipino Priests sa Philadelphia.
Kamakailan lang ay binatikos ni Pope Francis ang kanilang hanay dahil sa patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga pari at obispo na nasasangkot sa mga kalokohan kabilang na ang sexual abuses.