TGP Partylist: 20-percent ng mga basura pwedeng i-recycle

Inquirer file photo

Hindi na kailangang bawasan ang Internal Revenue Allotment (IRA) na tinatanggap ng mga lokal na pamahalaan para lamang sa pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Talino at Galing ng Pilipino (TGP) Partylist first nominee Bong Teves Jr. na dapat mag-allocate ng dagdag pa pondo ang national government para sa pagsasa-ayos ng waste management sa bansa.

Masyado na umanong maliit ang matitirang pondo para sa mga local government units kung dito pa ibabawas ang pondong gagamitin sa improvment ng pangongolekta ng mga basura.

Pwede rin umanong simulan sa mga Barangay ang segregation ng mga basura pati na rin ang pag-recycle ng mga ito.

Kaunting pondo lang ang kailangan pero babalik din ang kita sa mga Barangay dahil mabibigyan ng trabaho ang mga makikibahagi sa kanilang ipinapanukalang recycling at segregation scheme.

Sakaling mahalal sa Kongreso, sinabi ni Teves na ang TGP Partylist ang siyang mangunguna sa nasabing hakbangin na bukod sa magbibigay ng dagdag na trabaho ay magbibigay rin ng ginhawa sa ating kapaligiran dahil sa pamamaraan ng pagre-recycle ng mga inaakala nating basura pero pwede pang pakinabangan.

Sa kabuuan, sinabi ni Teves na aabot sa 20-percent ng mga basura ang pwedeng mai-recycle kaya malaking katipiran rin ito sa para sa mga LGUs dahil mababawan ang bilang ng mga byahe ng mga trak ng mga basura.

Read more...