Dry spell sa malaking bahagi ng bansa ibinabala ng Pagasa

Inquirer file photo

Halos kalahati sa kabuuang bilang ng mga lalawigan sa bansa ay nakakaranas ng dry spell o tagtuyot.

Sa ngayon, sinabi ng Pagasa na nadagdagan pa ng limang probinsya ang nakararanas ng drought o prolong dry spell.

Kinabibilangan ito ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan.

Bukod pa ito sa ilang probinsya sa Mindanao na nakararanas na ngayon ng tagtuyot gaya ng Zamboanga Sibugay, Zamboanga Del Sur, Sulu at Maguindanao.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pagasa Climate Monitoring And Prediction Section Weather Specialist Analiza Solis na bago matapos ang buwan ng Marso ay maaaring madagdagan ang mga lugar na nakararanas ng tagtuyot.

Maaaring maapektuhan ng dry spell ang nasa 41 probinsya na kinabibilangan ng 25 probinsya sa Luzon, 11 sa Visayas at Lima sa Mindanao.

 

<iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/video.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fradyoinquirer990%2Fvideos%2F250661795888032%2F&show_text=0&width=560” width=”560″ height=”315″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowTransparency=”true” allowFullScreen=”true”></iframe>

Read more...