Ayon kay Angara noon pang 2017 nalikha ang Free Internet Access Program at ang Department of Information and Communications Technology ang pangunahing ahensiya na magpapatupad nito.
Ngunit ibinahagi ng senador, sa 112 SUCs na sakop ng programa, 17 pa lang o 15 porsiyento ang may free wi-fi connectivity hanggang noong nakaraang Disyembre base na rin sa datos mula sa DICT.
Pagdidiin nito, napapagkaitan ng libreng wifi ang mga estudyante at guro ng 95 pang SUCs.
Aniya noong 2018, pinaglaanan ng P1.7 bilyon ang programa noong 2018 at P326 milyon dito ay para sa paglalagay ng free wi-fi sa mga SUCs.
Giit pa ni Angara malaking tulong ang libreng wifi sa mga estudyante para sa kanilang research, assignments at projects.