13 NPA rebels sumuko sa Sultan Kudarat

Aabot sa 13 miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa militar noong araw ng Martes.

Ayon kay 1st Lieutenant Adrian Martial, Civil Military Officer ng Marine Battalion Landing Team 7, ang mga sumukong rebelde ay kumikilos sa ilalim ng Primera Squad,Cherry Mobile Platoon, Guerilla Front 73 sa pamumuno ng isang Kumander Alas.

Sinabi ni Martial na ang grupo ay nagsasagawa ng operasyon sa Lebak at Kalamansig, Sultan Kudarat.

Isinuko rin ng mga rebelde sa militar ang dalawang M14 rifle, 1 M16 rifle, 1AK47, 1 caliber .45 kasama ang mga bala gayundin ang dalawang homemade UZI sub machine gun, two hand grenade.

Pinapurihan naman ni Brigadier General Eugenio Hernandez, Commander of the 1st Marine Brigade ang MBLT 7 dahil sa ginawa nitong efforts upang mapasuko ang mga NPA.

Read more...