Batay sa imbestigasyon ng Talisay City Police Station, nasa terrace ng kaniyang opisina ng kanyang negosyong poultry at nageehersisyo si Chief Master Sergeant Mike Espina sa Barangay Dumlog nang pagbabarilin ng suspek.
Ayon sa pamilya ni Espina, nasa 2 araw na leave ang biktima matapos madestino sa Masbate Police.
Hindi umano nakarinig na mga putok ng baril ang mga empleyado kaya malaki ang hinala na gumamit ng silencer ang gunman.
Tinitingnan ng mga otoridad ang anggulong may kinalaman sa negosyo at pagiging pulis ang pagpatay sa biktima.
MOST READ
LATEST STORIES