Lalaki nang-hostage at namaril sa loob ng isang abortion center sa US

Emergency personnel transport an injured officer near a Planned Parenthood clinic Friday, Nov. 27, 2015, in Colorado Springs, Colo. A gunman opened fire at the clinic on Friday, authorities said, wounding multiple people. (Andy Cross/The Denver Post via AP) MAGS OUT; TV OUT; INTERNET OUT; NO SALES; NEW YORK POST OUT; NEW YORK DAILY NEWS OUT; MANDATORY CREDIT
AP Photo

Makaraan ang halos ay apat na oras ay nahuli na rin ng mga otoridad ang lalaking nakipag-barilan sa mga pulis sa naganap na standoff sa isang Planned Parenthood family planning center sa Colorado Springs, Colorado USA.

Sinabi ni Colorado Springs Mayor John Suthers na hindi pa malinaw ang lahat kung bakit pinasok ng hindi pa pinangalanang suspect ang nasabing institusyon at hinostage ang ilang tao.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lt. Catherine Buckley ng Colorado Police Department na labing-isa katao ang sugatan bukod pa sa apat na tauhan ng pulisya.

Nagsimula ang standoff pasado ala-una ng tanghali oras sa Colorado at nasukol ang suspect pasado alas-sais ng gabi.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nilusob ang ilang mga Planned Parenthood Family Center sa nasabing U.S State.

Bukod sa ordinaryong mga medical services, pangunahing ginagawa sa ganitong uri ng mga pasilidad ang abortion na legal sa ilang estado sa America.

 

Read more...