Susan Roces, nais ipalit kay Poe sakaling ma-disqualify

Susan-Roces
Inquirer file photo

Sakaling wala pa ring desisyon ang Commission on Election sa disqualification cases laban kay Sen. Grace Poe bago mag-December 10, may plano na ang mga taga-suporta ng senadora.

Balak ng ilan sa mga sumusuporta sa kaniya na ipalit o i-substitute sa kaniya ang kaniyang ina na si Susan Roces bilang kandidato sa pagka-pangulo.

Ito naman ay kung hindi lamang makapaglabas ng desisyon ang COMELEC bago ang deadline ng pagpapalit ng mga kandidato.

Gayunman, ayon sa kaniyang abogadong si Atty. George Garcia, mariin namang tinanggihan ni Poe ang nasabing ideya.

Independent kasi ang status ng pagiging kandidato ni Poe kaya hindi rin ito posibleng mangyari, dahil para makapag-substitute, kailangang may kinabibilangang partido ang kandidato.

Ito rin ang minungkahing solusyon sakali namang tuluyan talagang ma-disqualify si Poe, pero ito rin ay tinanggihan ng senadora.

Naisip ang mga ito ng kaniyang mga taga-suporta bilang paghahanda lamang sa kung anuman ang mga posibleng mangyari kaugnay sa mga kinakaharap na disqualification cases ni Poe.

Read more...